^

Probinsiya

SOPA ni Gov. Maliksi

-

TRECE MARTIRES CITY, Cavite, Philippines – Nakatak­dang idaos bukas ang hu­ling State of Provincial Address (SOPA) ni Cavite Gov. Ayong S. Maliksi na gaganapin sa Provincial Gymnasium na naglala­yong magpahayag ng mga kaganapan sa pamaha­laang panlalawigan sa nakalipas na taon at ang mga nakatakdang pro­grama sa kanyang huling termino bilang ama ng lalawigan kung saan “Gov. Ayong Maliksi… Kabi­tenyo… Rebolusyunaryo” ang tema ng pagdiriwang.

Sa darating na pagti­tipon, nakatakdang tu­mang­gap ang 350-katao na na­walan ng hanap­buhay ng P3.5 milyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Tulong Pang­hanapbuhay Para sa Disadvantaged Workers (TUPAD) Program dahil sa pakikipag-ugnayan sa natu­rang ahensya. 

Nakatakda ring mag­bigay ang gobernador ng 100 titulo ng lupa sa mga magsasaka ng iba’t ibang munisipalidad partikular sa ba­­yan ng Amadeo.

Samantala, upang mas lalong maging makasay­sayan ang pagtitipon ilan sa mga programa ni Gov. Maliksi ang pasisinayahan kabilang ang paglulunsad sa bagong awitin ng Cavite brand, inagurasyon ng Cavite Investment Promotion Center (CIPC), pag­papasinaya ng Ancillary Building at inaguras­yon ng bagong gawang OB Gyne Ward sa charity wing ng Gen. Emilio Agui­naldo Memorial Hospital.

Ipakikita naman ng mga Kabitenyo ang kani­lang pagmamahal sa go­berna­dor sa pamamagitan ng pag­sasagawa ng mga pre­sen­tasyon bilang pag­bati sa kanyang kaarawan.

ANCILLARY BUILDING

AYONG MALIKSI

AYONG S

CAVITE

CAVITE GOV

CAVITE INVESTMENT PROMOTION CENTER

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISADVANTAGED WORKERS

EMILIO AGUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with