2 pumboat nagsalpukan

MANILA, Philippines - Nawawala ang 48-anyos na si Segundo Yortas habang sugatan naman sina Leo Segubia, 44; Erwin Masaya, 48; Arnie Sayson, 44 at misis nito nang mabangga ang sinasakyan nilang pumpboat sa karagatan ng Cabilan, Dinagat Island kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Police Regional Office, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi kung saan patungo sina Sayson at misis nito sa San Jose, Dinagat Island nang makabangga nila ang isa pang pumpboat na sinasakyan ng ibang sugatan na biktima.

Patuloy naman na iniimbestigahan kung ano ang naging sanhi ng banggaan. (Joy Cantos)

Show comments