^

Probinsiya

MILF tutulong sa kinidnap na 3 staff ng Red Cross

-

MANILA, Philippines - Nangako si Moro Islamic Liberation Front Spokesman Eid Kabalu na tutulong ang kanilang gru­po sa pagliligtas sa tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross na dinukot at tat­long buwan nang bihag ng ban­didong Abu Sayyaf sa Sulu.

Binalaan din ni Kabalu ang Abu Sayyaf na huwag sasaktan ang mga bihag na sina Swiss national Andreas Notter, Eugenio Vagni, Italian; at ang inhin­yerang Pilipinang si Marie Jean Lacaba.

Sinabi ni Kabalu na, kung makakakuha ng pag­kakataon, titiyakin nilang ligtas na makukuha ang mga biktima mula sa ka­may ng mga kidnapper.

Kasabay nito, pinagdu­dahan naman ni Kabalu ang abilidad ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari sa pakikipagnegosasyon sa Abu Sayyaf para mapalaya ang mga bihag.

Inihayag din ni Kabalu na apektado ang MILF sa hostage crisis sa Sulu at noon pa man ay minomo­nitor na nila ang mga kaga­napan sa insidenteng ito.

Ayon naman sa Armed forces of the Philippines, mas mabuti na may pagka­kaisa sa krisis na ito upang agad na mailigtas ang mga biktima.

“Lahat ng mga parties, lahat ng mga individuals who would like to help in resolving this crisis on the ICRC kidnapping should coordinate with the duly organized Task Force ICRC,” ani AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANDREAS NOTTER

ERNESTO TORRES JR.

EUGENIO VAGNI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOY CANTOS

KABALU

MARIE JEAN LACABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with