^

Probinsiya

Pulis na dinukot natagpuang patay

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Naaagnas na nang ma­ tagpuan ang bangkay ng dinukot na Medal of Valor Awardee na si PO2 Jama­ron Sandag sa isang landfill sa Rodriguez, Rizal.    

Ayon kay Philippine National Police Spokesman C/Supt. Nicanor Bartolome, natukoy ang bangkay ni Sandag sa pamamagitan ng dental records nito dahil hindi na maaaring isailalim sa DNA ang bangkay nito.     

“Hindi na natin pwede isailalim sa DNA test ang bangkay ni Sandag kase agnas na ito kaya natukoy natin siya sa pamamagitan ng dental records,” ani Bar­tolome.     

Ang bangkay ni Sandag ay may butas sa bungo na palatandaan na binaril ito ng mga suspek.    

Bunsod nito’y bumuo ng Task Force Sandag ang PNP at ito ay pamumunuan ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Chief Sr. Supt. Isagani Nerez.    

Si Sandag ay dinukot noong Marso ng anim hang­gang pitong arma­dong ka­lalakihan matapos siyang bihagin sa isang apartelle sa Taguig City at matapos ang 12-oras na hostage res­cue ng mga otoridad ay naitakas ng mga suspek ang una.    

Nakita ang bangkay ni Sandag noong Marso 16 sa Landfill Road sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal. Pinaniniwalaan naman ng may-bahay ni Sandag na si Nina na personal na galit ang motibo sa pagpatay sa bik­ tima lalo pa at kilala nya ang isa sa mga suspek na si Ja­mar Jamihim dahil ma­tagal na itong kaalitan ni San­dag at nanambang umano minsan sa kanilang mag-asawa.    

“Ang unang motibo na iimbestigahan ng PNP ay ang personal na galit at isusunod natin ang kaug­ nayan sa trabaho nya (San­dag),” ani pa ni Bartolome.   

Ayon pa kay Bartolome, malaki ang panghihinayang ng buong pulisya kay San­dag dahil sa pagiging tapat at matapang na pulis nito. Siya ay dating miyem­bro ng Special Action Force at nalipat sa Aviation Security Group.    

Si Sandag ay naging Medal of Valor Awardee da­hil sa kagitingan sa pakiki­pag­laban sa 100 bandidong Abu Sayyaf at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa Zamboanga del Norte noong 2003.

ABU SAYYAF

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

BARTOLOME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-NATIONAL CAPITAL REGION CHIEF SR. SUPT

MEDAL OF VALOR AWARDEE

SANDAG

SHY

SI SANDAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with