KIDAPAWAN CITY, Philippines – Dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng revolutionary tax, sinunog ng New Peoples Army ang boom spray truck ng Sumifru Corporation, isang Japan-owned banana firm, sa Sitio Sambaringan sa Brgy Basak, Magpet kahapon ng umaga.
Ayon kay Magpet Ma yor Efren Pinol, apat na armadong lalaki ang pumasok sa plantasyon at agad na binuhusan ng gasolina ang spray truck na nagkakahalaga ng P300,000 at sinilaban. Ang Herminio Alfonso Command ng NPA ang nag-ooperate sa mga bayan ng Magpet, Arakan, Antipas, at Makilala sa North Cotabato. (Malu Cadelina Manar)