Dumukot sa 3 titser, mag-aamang pirata

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng pulisya na mag-aamang pirata na sina Camsa Asdanal at mga anak nitong sina Jo­ma­ri Omar at Ging-ging Calon ang kumidnap sa tat­long guro sa ele­­mentarya sa Naga, Zamboanga Si­bugay noong Marso 13.

Ayon sa militar, kilala ang mga nasabing suspek na nangingikil sa mga ma­ngingisda at negos­yante.    

Malaki naman ang po­sibilidad na hawak pa rin ng mga kidnapper sa Sibu­gay ang mga biktimang sina Noemie Mandih, Jocelyn Enriquez at Jocelyn Inion.

Humingi na rin ng ransom money ang mga sus­pek sa pamilya ng mga biktima ngunit hindi tinukoy kung magkano ang kapalit ng kalayaan ng mga ito. (Joy Cantos)

Show comments