^

Probinsiya

3 nakipaglibing, paglalamayan

-

BATANGAS, Philippines – Tatlong kababaihan na pinani­niwalaang nakipaglibing sa namayapa nilang ka­mag-anak ang kasalu­kuyang pinaglalamayan matapos makalawit ni kamatayan sa naganap na salpukan ng jeepney at cargo truck na ikinasugat ng dalawampu’t dalawang iba pa sa bayan ng Na­sugbu, Batangas kamaka­lawa ng hapon.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Cherry Ann Salazar, 17, ng Tuy, Ba­tangas; Lynda Santos, 50; at si Delia Sombreo, 58, kapwa naninirahan sa ba­yan ng Lian, Batangas.

Samantala, ang mga sugatang biktima kabilang na ang pito na nasa kritikal na kondisyon ay naisugod sa Apacible Hospital, Madonna Hospital at iba pang ospital sa nasabing lala­wigan.

Ayon sa imbestigador na si PO3 Jose Bruno, na­kipaglibing ang mga bikti­mang lulan ng passenger jeepney (DXA-300) na minamaneho ni Jaypee Gatdula nang salpukin ng cargo truck (CTW 611) na nag-oovertake sa highway sa Barangay Bilaran ban­dang alas-5 ng hapon.

Kaagad namang tu­ma­kas ang drayber ng truck na si Roderick Canbalisa, 30, subalit sumuko rin ma­tapos ang ilang oras.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries si Canbalisa na kasalu­kuyang nakakulong sa Nasugbu PNP detention cell. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

APACIBLE HOSPITAL

ARNELL OZAETA

BARANGAY BILARAN

BATANGAS

CHERRY ANN SALAZAR

DELIA SOMBREO

JAYPEE GATDULA

JOSE BRUNO

LYNDA SANTOS

MADONNA HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with