2 nene binigti ng kable ng charger

LUCENA CITY, Que­zon, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang batang babae makaraang sakalin ng kable ng celpon charger ng ’di-pa kilalang lalaki sa tinutulugan nilang kuwarto sa bisinidad ng Purok Masagana sa Ba­rangay Ibabang Iyam, Lu­cena City, Quezon, kaha­pon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni P/Senior Supt. Rodolfo Ge­naro Ylagan, hepe ng pulis­ya sa Lucena City, kinilala ang mga napaslang na sina Kimberly Valentin Lat, 13; at Charlene Bel­gica, 6.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi ay pinatulog ni Leazel ang kanyang anak na si Charlene sa bahay ng kapitbahay nilang si Edna na ina naman ni Kimberly.

Subalit kahapon ng umaga, dakong alas-5:30 ay sinundo niya ang kan­yang anak na si Charlene upang gisingin subalit ga­yun na lamang ang pang­hihilakbot nito nang silipin sa bintana ng ku­ warto na kapwa matigas na bang­kay ng dala­wang bata.

Sa isinagawang pag­sisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives sa pamumuno ni P/Supt. Rufina Baldovino, may palatandaang pinatay ang dalawa sa pama­ma­gitan ng pagsakal ng kable ng celpon charger.

Dalawang suspek na tinukol lamang sa Alyas Sanre at Jerickson na pi­naniniwalaang sangkot sa pamamaslang ang iniim­bestigahan na ngayon ng pulisya. (Tony Sandoval)  

Show comments