15 kubo ng NPA nakubkob

Camp Melchor dela Cruz, Isabela, Philippines – Umaabot sa 15 kubo na pinaniniwalaang isa sa pinakamalaki ng kuta at training ground ng mga rebeldeng New People’s Army ang nabawi ng militar matapos ang umaatikabong bak­bakan noong Miyerkules sa liblib na bahagi ng Sitio Tagkar sa Brgy. Misson sa bayan ng Santa Teresita, Cagayan. Sa ulat ni Lt. Col. James B. Joven, commanding officer ng 17th Infantry Battalion kay Major General Ochoa, commanding general ng 5th Infantry Division (ID), na­sakop ng tropa ni 2Lt. Edelfred Mendoza at 2Lt. Reymundo Zamora Jr. ang nasabing kampo na pi­nagpupugaran ni Kumander Jonathan “Ayan” Sandaga. Narekober ng military ang ilang malalakas na kalibre ng baril, mga bala, granada, generator, medical supplies, training paraphernalia at iba pang dokumento. Sa­mantala, sumuko naman ang isang opisyal ng NPA na si Danilo Navarro Balonsat, alyas Ka Primo, lider ng Guerilla Fighting Unit na nasa ilalim ng 1st National Battalion ng CPP-NPA. Victor Martin

Show comments