3 tiklo sa pagdukot sa apo ng mayor

PANGASINAN , Philippines  – Bumag­sak sa mga operatiba ng Po­lice Anti-Crime Emergency Response (PACER) ang tatlo-katao kabilang ang dating pulis na itinurong lider ng kidnap-for-ransom gang na responsable sa  pagdukot sa apo ng mayor ng Mangal­ dan, Pangasinan, kamaka­lawa.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Percival Barba, police provincial director, kinilala ang naarestong lider ng grupo na si ex-PO1 Jessie Cervas Aqui­no, 27; ang dalawang ka­sabwat na sina Russelito “Russel” Ydia, 40 at Oscar “Pas­ tor” Tiosen, 44.

Patuloy namang pinagha­hanap ang dalawa pang sus­pek na sina Rudy Fernandez at Domingo Fernandez na itinurong responsable sa pagdukot kay Cedric Rome­ro, apo ni Mangaldan, Panga­­­sinan Mayor Herminio Aquino Romero.

Sa imbestigasyon, si Ce­dric ay kinidnap habang pa­pasok sa eskuwelahan da­kong alas-7 ng umaga sa Ma­ngaldan, Pangasinan noong Miyerkules (Marso 11).

Dakong alas-11:20 kama­kalawa nang unang ma­aresto ang suspek na si Ydia na na­kumpiskahan ng cel­pon at P35,000 na bahagi ng ransom.

Sa interogasyon, umamin ni Ydia sa partisipasyon nito sa kidnapping at pinanga­lanan ang iba pa nitong ka­samahan kung saan itinu­rong mastermind si Aquino.

Bandang alas-4 naman ng hapon nang maaresto ang pinuno ng grupo na si Cervas kung saan nakuha mula rito ang P104,000 na pinaniniwa­ laang bahagi ng ransom money at 2 celpon.

Sumunod namang na­aresto sa restaurant si Piosin at nasamsam mula rito ang P20,000 at hindi rin nito iti­nanggi ang partisipasyon sa krimen.

Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping for ransom ang mga nasakoteng suspek. (Cesar Ramirez at Joy Cantos)

Show comments