Rapist sa Bulacan kalaboso

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang 26-anyos na lalaki matapos halayin ang isang menor-de-edad na mag-aaral sa bisinidad ng Barangay Bancal, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Kasalukuyang nakapiit at pormal na kinasuhan ang suspek na si Gilbert Thompson. Sa ulat ni P/Supt. Emma Libunao kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, dinakip ang suspek sa kasong panghahalay laban sa biktimang 13-anyos na babae sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman din na ginahasa ng suspek ang sariling ina subalit nadismis ang kaso sa hindi nabatid na dahilan at nakulong din ito sa Bulacan Provincial Jail sa iba pang kaso. (Boy Cruz)

Show comments