2 tinedyer utas sa sagasa

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Maagang nagwakas ang kinabukasan ng dalawang dalaga matapos ma­sa­gasaan ng humaharurot na kotse sa Barangay Batong Ma­lake sa bayan ng Bay, Laguna kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, ang mga biktimang sina Fatima Solis ng Barangay Sto. Domingo at Gretchen Banan ng nabanggit na barangay. Ayon sa police report, papatawid na ng highway ang dalawa para pumasok sa pinagtatrabahuhang panaderya nang ma­sagasaan ng Honda City (XCC-452) na minamaneho ni Joel Aldemita. Naisugod pa sa Laguna Doctors Hospital pero idineklarang patay dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan. Nakatakdang sam­pahan ng kaukulang kaso si Aldemita na kasalukuyang nakapiit sa Bay police station. Arnell Ozaeta

Show comments