Nasermunan ng ina; tinedyer nagbigti

RIZAL, Philippines — Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 15-anyos na lalaki matapos itong magbigti sa sementeryo dahil sa matinding sermon ng kanyang ina sa naganap na insidente sa Antipolo City, Rizal kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Dioscoro Maata, hepe ng pulisya sa Antipolo City, ang biktima na si Junardo Cuevas ng Ma. Corazon 2, Brgy. Sta. Cruz. Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, na bago maganap ang insidente, ay napagalitan ang biktima ng kanyang nanay dahil hindi ito nag­paalam na maglalamyerda sa labas at magpupunta sa ibang lugar. May teorya ang pulisya na dinamdam ng biktima ang matinding sermon ng kanyang ina kaya ito nag-suicide gamit ang makapal na ribbon na pang dekorasyon sa loob ng Heaven Gate Cemetery. Ricky Tulipat

Show comments