Estudyante tumalon mula sa trak, dedo

ZAMBALES  , Philippines – Isang 13-anyos na estudyante sa hayskul ang iniulat na nasawi habang isa pa ang gra­beng nasugatan makaraang tumalon ang mga ito mula sa inangkasang pick-up truck kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales.

Kinilala ni P/ Senior Insp. Nelson Dela Cruz, hepe ng Subic PNP, ang bik­ti­mang si Sherlyn Gaylan, habang grabeng sugatan na­man ang pinsan nitong si Joena Gaylan, 16, na kapwa residente ng Nagyantoc Village.

Napag-alamang nakisakay ang magpinsan sa Kia Bonggo pick-up truck na rehistrado sa sub-contructor ng Hanjin shipyard na minamaneho ni Redente Baysa. Pagsapit sa binisidad ng Nagyantoc Village ay pumara ang dalawa subalit hindi narinig ng tsuper at bigla na lamang tumalon ang mga bata mula sa tumatakbong sasakyan. Alex Galang

Show comments