Trader dedo sa ambus

LUCENA CITY, Quezon , Philippines  – Tinambangan at napatay ang isang negosyanteng lalaki habang sugatan naman ang kasamang babae nito sa naganap na karahasan sa bisinidad ng Barangay Isabang, Lucena City, Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, hepe ng Lucena City PNP, ang napatay na si Paulo Zubieta, habang sugatan naman si Michelle Vicente Peñarubia na kapwa naninirahan sa Bulgaria Street sa Better Living Subd.

Sa ulat ni SPO4 Renato Pelobello, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungong palengke nang ratratin ng mga ‘di-kilalang lalaki na nakaabang sa gate ng nasabing subd. Sinisilip ng pulisya ang anggulong love-triangle at alitan sa negosyo. Tony Sandoval

Show comments