8 pulis, 2 pa sugatan sa NPA
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Walong pulis at dalawang sibilyan ang iniulat na nasugatan matapos masabugan ng landmine ang sinasakyang pampasaherong jeepney ng mga biktima sa panibagong paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Barangay Villa Alvarez sa bayan ng Balud, Masbate kahapon.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ng pampasaherong jeepney ang walong pulis na miyembro ng 506 Provincial Police Mobile Group at ang dalawang sibilyan nang masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebelde.
Kasalukuyang pang bineberipika ang pagkikilanlan ng mga biktima na patungong Masbate City mula sa Brgy. Panguiranan ng nabanggit na bayan. Ed Casulla
- Latest
- Trending