^

Probinsiya

Kusinero natodas sa rabis

-

CAMARINES NORTE, Philippines – Sa takot na mahawahan ng kamandag ng askal, ay mag­kakasunod na nagpaturok ng anti-rabis ang mga costumer ng isang restaurant sa bayan ng Daet matapos ku­malat ang balita na namatay kamaka­lawa ang kusinero nito dahil sa kagat ng asong kalye.

Sa tala ng Provincial Vete­ rinarian Office sa pamu­muno ni Dr. Edgardo Gon­zales, lumilitaw na nakagat ng asong kalye na may rabis ang biktimang si Leonardo Quibral, 24, ng Brgy Gabon, matapos ihatid ang kanyang nobya sa Pandawan, Brgy 5 sa bayan ng Mercedes noong Pebrero 18, 2009.

Lumalabas sa imbesti­gas­yon ni Gonzales na bina­lewala ng biktima ang kagat ng asong kalye at patuloy pang nanilbihan sa nasabing kainan bilang kusinero at stay-in din sa restaurant.

Naramdaman lamang ng biktima ang sintomas ng rabis noong Lunes ng Marso 9, subalit hindi na naagapan ng mga doktor at namatay sa Camarines Norte Provincial Hospital.

“Huwag mabahala ang mga customer na kumain sa nasabing restaurant dahil sa hindi nakakahawa ang posi­tibo sa rabis maliban lamang kung ito ay nakipaghalikan, nakipag-inuman sa iisang baso o may tumalsik na la­way sa pagkaing inorder,” paliwanag ni Gonzales.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa rabis, hindi nagawang maglagay ng pondo ang provincial government para sa gamot kontra rabis.  

Base sa talaan, umaabot na siyam-katao ang nama­ma­tay dahil sa kagat ng asong kalye. Francis Elevado

BRGY

BRGY GABON

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

DR. EDGARDO GON

FRANCIS ELEVADO

GONZALES

LEONARDO QUIBRAL

PROVINCIAL VETE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with