BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Muling nabuhay ang operasyon ng jueteng sa buong lalawigan ng Nueva Vizcaya sa kabila ng kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ipatigil ang nasabing iligal na sugal.
Ayon kay Bishop Villena na tumatayong chairman ng Regional Development Council, ang pag-endorso ng mga opisyal ng local na pama halaan at provincial board member sa Meridien Vista Gaming Corp ng Cagayan Economic Zone Authority ay hindi nararapat dahil ito ang sinasabing bumuhay sa operasyon ng jueteng.
“Tinawagan ko mismo ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at kinumpirma sa akin na walang permit ang PCSO para magkaroon ng STL o anumang uri ng online game sa Nueva Vizcaya,” pahayag ni Villena.
Ayon naman sa ilang kabo at kubrador, ang kanilang ginagamit na papel lang umano na may tatak na MVGC ang naiba, subalit ang takbo ng operasyon ay jue teng pa rin na may tatlong beses naman binobola kada araw.
Maging ang lalawigan ng Isabela at Cagayan ay patuloy pa rin ang operasyon ng jueteng sa kabila ng panawagan ni PGMA na ipahinto ang operasyon nito. Victor Martin