^

Probinsiya

Jueteng, umarangkada sa Nueva Vizcaya

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Muling nabuhay ang operasyon ng jueteng sa buong lalawigan ng Nueva Vizcaya sa kabila ng kautu­san ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo sa mga opis­yal ng lokal na pamaha­laan na ipatigil ang nasabing iligal na sugal.

Ayon kay Bishop Villena na tumatayong chairman ng Regional Development Council, ang pag-endorso ng mga opisyal ng local na pama­ halaan at provincial board member sa Meridien Vista Gaming Corp ng Ca­gayan Economic Zone Authority ay hindi nara­rapat dahil ito ang sina­sabing bumuhay sa ope­rasyon ng jueteng.

“Tinawagan ko mismo ang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at kinum­pirma sa akin na walang permit ang PCSO para mag­karoon ng STL o anu­mang uri ng online game sa Nueva Vizcaya,” pahayag ni Villena.

Ayon naman sa ilang kabo at kubrador, ang ka­nilang ginagamit na papel lang umano na may tatak na MVGC ang naiba, suba­lit ang takbo ng operasyon ay jue­ teng pa rin na may tat­long be­ses naman bino­bola kada araw.

Maging ang lalawigan ng Isabela at Cagayan ay patu­loy pa rin ang operas­yon ng jueteng sa kabila ng pana­wagan ni PGMA na ipahinto ang operasyon nito. Victor Martin

AYON

BISHOP VILLENA

ECONOMIC ZONE AUTHORITY

MERIDIEN VISTA GAMING CORP

NUEVA VIZCAYA

PANGULONG GLORIA MA

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with