9 tiklo sa shabu tiangge

SANTIAGO CITY, Philippines   Bagsak kalaboso ang siyam na sibilyan matapos maaresto ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency at lokal na pulisya sa isinagawang pagsalakay sa shabu tiangge noong Linggo sa Purok 3 sa Brgy. Mabini, San­tiago City, Cagayan Valley. Ang mga sus­pek na positibo ring gu­magamit ng shabu at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act, or visiting a known drug den) ay nakilalang sina Nelson Evan­gelista, Ronald del Rosario, Ariel David, Sonny Anastacio Bunanglag, John de Guzman,Thomas Valdez Rosete, Roderick Paulino, Ricky Sadriarin, at si Dennis Pancho. Ayon kay P/Chief Inspector Pilarito Mallillin, unang nadakma si Evangelista at nakumpiskahan ng 0.10 gramo na shabu at anim na aluminum foil. Kasunod nito, naaresto naman ang walong iba pa sa tina­guriang drug den na sinasabing protektado ng limang pulis. Victor Martin

Show comments