^

Probinsiya

Lider ng kidnap-for-ransom itinumba

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines  – Pinaniniwa­laang paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lider ng kidnap-for-ransom gang sa harapan ng banko sa Balanga City, Ba­taan kama­kalawa ng hapon.

Dalawang bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Bootah Singh, 49, Indian national na sinasabing lider ng KFR na may operasyon sa Central Luzon at Metro Manila.

Sa record ng pulisya, si Singh na bumibiktima ng kap­wa Bumbay ay naaresto ng pulis-Bataan sa Quezon City sa kasong kidnapping noong 2007 at kasalukuyang naka­piit sa Bataan Provincial Jail bago mapatay.

Sa police report na naka­rating kay P/Supt. Benjamin Silo, hepe ng Balanga City PNP, lumilitaw na nakaupo sa harapan ng service van ng provincial jail ang biktima kasama ang nag-iisang jail­guard na si Raymar Regen­cia nang lapitan at ratratin ng ‘di-kilalang lalaki.

Napag-alamang nagpa-escort lamang ang biktima pa­tungong banko para mag-with­draw ng malaking ha­la­ga ka­ugnay sa negosyong 5-6.

Naging palaisipan naman sa taumbayan ang paglabas sa kulungan ni Singh na may patung-patong na kasong kri­minal kahit walang pahin­tulot ang korte.

Nalalagay naman sa ba­lag ng alanganing masibak sa tungkulin ang pamunuan ng pro­vincial jail na nag-utos para makalabas ng kulungan ni Singh at makapag-withdraw ng pera sa banko na nag-iisa la­mang ang escort.

BALANGA CITY

BATAAN PROVINCIAL JAIL

BENJAMIN SILO

BOOTAH SINGH

BUMBAY

CENTRAL LUZON

METRO MANILA

QUEZON CITY

RAYMAR REGEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with