2 namaril sa brodkaster sumuko

MANILA, Philippines - Nagdesisyong sumuko kahapon sa pulisya ang da­lawang sinasabing pangunahing suspek sa pamamaril ng isang brodkaster sa Cagayan de Oro City noong Lunes. Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Felizer “Boyet” Caitor at Bernardo “Nanding” Aguilar na kapwa sumuko dakong alas-6 ng umaga.

Sa inte­rogasyon ng pulisya, inamin ng dalawa na sila ang bumaril sa radio brodkaster na si Nilo Labares, 47, ng dxCC Radio Mindanao Network.

Si Labares na nagmomotorsiklo ay pinagbabaril ng dalawa noong  Hu­webes ng Marso 5 sa Cagayan de Oro City kung saan ay ginagamot pa ito sa Maria Reyna Medical Hospital dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib. (Joy Cantos)

Show comments