3-katao utas sa amok

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang mag-amok at mamaril ang isang miyembro ng Police Auxiliary Unit sa bisinidad ng Sitio Libo sa Brgy. Alimango, Escalante City, Negros Occidental kamakalawa ng madaling-araw.

Kabilang sa mga napaslang ay sina Rogelio Mapa, Cyrus Escuvilla, at si Roy Arnesto, habang sugatan naman sina Anthony Aberio at  Edward Anciano.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Diolito Cabañog, 26, sinasabing lango sa alak nang isagawa ang krimen. Ba­tay sa police report, na nakarating sa Camp Crame, lumitaw na nagkainitan sina Anciano at Cabañog kaugnay sa seguridad ng piyesta sa kanilang bayan na humantong sa pamamaril. (Joy Cantos)

Show comments