2 Tsino diver nalunod

CEBU , Philippines – Trahedya ang sumalubong sa pagbaba­kasyon ng dalawang turistang Tsino makaraang malunod habang sumisisid sa karagatan ng Tingo Island sa Olango, Lapu-Lapu City, Cebu ka­­makalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang na sina Pang Chi Lung, 44 at Cheung Joanne Wai, 28, kapwa naka-billet sa Paradive Scuba Diving Resort sa Sitio Boot, Brgy. Punta Engaño sa Lapu-Lapu City. Kabilang ang dalawa sa apat na Tsino diver mula sa Hong Kong na du­ma­ting sa bansa noong Biyernes.

Base sa ulat ni PO1 John Philip Silmaro, lumilitaw na nag-scuba diving ang dalawa kasama ang ilang turistang Tsino at ang diving instructor na si Cheung Hung Kam. Makalipas ang 40-minuto ay nabigong lumutang ang dalawa kaya kaagad namang sinisid ng kanyang mga kasama.

Matapos matagpuan ang da­lawa ay isinugod sa Mactan Doctors Hospital subali’t kapwa idi­neklarang patay.  (Joy Cantos)

Show comments