^

Probinsiya

4 mag-uutol natupok

-

BATANGAS , Philippines  – Apat na magkakapatid na menor-de-edad ang iniulat na namatay matapos maku­long sa nasusunog nilang tahanan sa bayan ng Padre Garcia, Batangas, ka­hapon ng madaling-araw.

Animo’y uling ang kata­wan ng mga biktimang sina Paula Mariz, 9; Prell Ma­rilyn, 8; Prell Monique, 6; at si Patrick Marlon, 5, na pawang may apelyidong Bolaños at naninirahan sa Barangay Payapa sa na­banggit na bayan.

Sa ulat ni Senior Ins­pector Von Nicasio, operations chief ng Batangas Bureau of Fire, lumilitaw na natutulog ang pamilya Bo­laños nang mahulog ang gasera sa sahig na kawa­yan na nagbunsod para kumalat ang apoy sa buong bahay na gawa sa kahoy bandang alas-12:20 ng madaling-araw.

Mabilis namang nagi­sing ang nakatatandang kapatid ng magkakapatid na si Paul Mark,11, na agad na gumi­sing sa kani­lang amang si Apolinario na natutulog sa unang palapag ng kanilang bahay at kapwa nakaligtas sa nasabing sunog.

“Ginising daw ni Paul Mark ‘yung magkakapatid bago pumunta sa tatay niya sa ibaba ng bahay, pero hindi pala sumunod pababa ‘yung kanyang mga kapatid kaya naku­long nang biglang kumalat ang apoy,” ani Fire Officer 3 Osmundo Balbastro, Padre Garcia fire chief.

Nakaligtas din ang ina ng mga bata na si Maria na noo’y papunta sa plaza para sunduin ang panga­nay na anak na si Pauline May, 12, na nanonood ng variety show para sa nala­lapit na kapistahan. 

Isasailalim sa autop­siya ang mga labi ng mag­kakapatid.

BARANGAY PAYAPA

BATANGAS BUREAU OF FIRE

FIRE OFFICER

OSMUNDO BALBASTRO

PADRE GARCIA

PATRICK MARLON

PAUL MARK

PAULA MARIZ

PAULINE MAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with