MANILA, Philippines - Dahil laging sentro ng bagyo ang lalawigan ng Bicol, marami sa mga paaralan dito ang madalas na nagigiba na nagiging sanhi upang masira ang pag-aaral ng maraming mag-aaral.
Kaugnay nito, sa tulong ng Agencia Espanola de Cooperacion Internacional para el Desarollo ng Spain, sinimulan kamakailan ng Department of Education ang pagpapatayo ng mas matitibay na mga gusaling pampaaralan sa Bicol tulad sa bayan ng Nabua sa Camarines Sur.
Sinabi ni DepEd Secretary Jesli Lapus na ididisenyo ang mga gusali batay sa kondisyon ng klima sa Bicol na madalas bagyuhin. (Ricky Tulipat)