^

Probinsiya

Mayor inihabla

-

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal ng Office of the Ombudsman si Gapan City Mayor Ernesto Natividad sa Sandiganbayan matapos na akusahang utak umano sa pagpatay sa lima katao sa loob ng isang sabungan tat­long taon na ang nakaka­lipas.

Nahaharap si Natividad sa kasong “multiple murder” matapos masilip ng Ombudsman na may “probable cause” sa pagiging utak umano sa pamamaslang sa mga biktimang sina Erickson at Ebertson Pascual at tatlo pa katao na nadamay sa pamamaril noong Marso 20, 2006 ng mga armadong lalaki sa Gapan Coleseum and Cockpit Arena na pag-aari ng mga Pascual.

Bukod kay Natividad, 23 pa ang sinampahan ng natu­rang kaso kabilang na sina Dalia Cruz, Jobert Dumlao, Crisanto Mateo, Dennis Matias, Romeo Natividad, Ricardo Peralta, Randy Puno, Lorenzo Rueda at iba pang mga John Does. (Danilo Garcia)

CRISANTO MATEO

DALIA CRUZ

DANILO GARCIA

DENNIS MATIAS

EBERTSON PASCUAL

GAPAN CITY MAYOR ERNESTO NATIVIDAD

GAPAN COLESEUM AND COCKPIT ARENA

JOBERT DUMLAO

JOHN DOES

LORENZO RUEDA

NATIVIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with