Anak pumatay para sa ama

MANILA, Philippines - Napatay ng 23 anyos na si Jefferson Dimarucot ang kapitbahay niyang si Nel­son Bautista, 28 anyos, nang makita niyang tina­tangka nitong saksakin ang ama niyang si Jerry Lee, 48 anyos, sa Barangay San Antonio 2, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.   

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kata­wan na siya nitong dag­liang ikinasawi.

Nauna rito, nang makita ni Jefferson na sasaksakin ni Bautista ang kanyang ama, inagaw niya ang hawak nitong patalim pero, sa ka­nilang pambubuno, nasak­sak niya ang biktima.

Patay na nang maisu­god sa ospital ang biktima habang pinaghahanap ang suspek habang isinusulat ito. (Joy Cantos)

Naglabas ng pera inambus

CAMP SIMEON OLA, Le­gazpi City, Philippines – Isang mag-asa­wang negosyante na sina Jean at Jeffrey Sancho ang na­sugatan nang pagbabarilin ng mga hinihinalang holdaper sa Barangay Tinago, Naga City ka­makalawa ng hapon.

Naganap ang pananam­bang makaraang maglabas ng P1.7 milyon mula sa isang ban­ko dito ang mga biktima na ka­sa­­ lukuyang ginagamot sa St. John Hospital sa naturang lungsod.

Nagawa ni Jeffrey na mapa­takbo pa ang kotse habang pi­ nagbabaril sila ng mga suspek hanggang sa makarating sila sa ospital.

Agad na tumakas ang mga suspek na nagawang makuha ang kanilang pakay. (Ed Casulla)

Nabagok sa suntok

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Tumumba sa sementadong kalsada at nabagok ang ulo ni Alberto De Luna, 64 anyos, hanggang sa mamamatay siya maka­raang suntukin siya ng suspek na si Jessie Bueza bunsod ng mainitan nilang pagtatalo sa Barangay Haring, Canaman, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nauna rito, kinompranta ng biktima ang suspek na hininala niyang nagnakaw sa kanyang handtractor. (Ed Casulla)

Show comments