Nene todas sa sunog

MANILA, Philippines - Isang tatlong taong gu­lang na batang babae ang nasawi ma­tapos na matusta nang bu­hay sa loob ng na­su­nog ni­lang tahanan sanhi ng uma­no’y gasera na ini­wang naka­sindi ng kanyang mga magu­lang para maki­pag-inuman habang ang biktima ay natu­tulog sa Tanay Rizal, iniulat kahapon.

Kinilala ni P/ Supt. Rey­naldo Mendoza, hepe ng Ta­nay Police station, ang na­sawi na si Kaylle Ber­go­nia, nakatira sa Sitio Ra­wang St, Barangay Plaza, Aldea, ng nasabing  bayan.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon ng Tanay Police station, naganap ang insi­den­te da­kong alas-10:00 ng gabi nang iwan ng kanyang mga magulang ang bata habang natutulog sa loob ng kani­lang bahay gamit ang ilaw na gasera.

Sinasabing habang na­tutulog ang biktima, ang mga magulang naman uma­no nito ay masayang nakikipag-inuman sa kani­lang kapit­bahay ilang hak­bang ang layo sa kanilang bahay.

Mula dito, bigla na la­mang umanong umapoy ang tinu­tu­luyan ng biktima na pinag­hihinalaang sanhi ng gase­rang natumba at tuluyang la­munin ng apoy ito. Dahil ma­ himbing na natutulog ang bata, hindi nito batid ang pang­ yayari hanggang sa madamay na rin ito sa nag­lalagablab na apoy at masu­nog.

Huli na sa mga magu­lang ng bata ang magsisi da­hil na­ abutan na lamang nilang su­nog ang katawan ng kani­lang anak matapos maapula ito ganap na alas 11:30 ng gabi.

Show comments