MANILA, Philippines - Humingi ng tulong kay Department of Justice Secretary Raul Gonzalez ang election officers ng Commission on Elections sa Occidental Mindoro upang mabasura ang kasong kriminal na isinampa laban sa kanila.
Kabilang sa nagpetisyon kay Gonzalez petition for review, hiniling kay Gonzalez nina Judy Lorenzo, acting Provincial Election Supervisor sa Mamburao, Occidental Mindoro; Sanggunian Panglalawigan Officials Peter Alfaro at Randolph Ignacio at ng Poll watcher na si Gaspar Bandoy para ipabaligtad ang naunang desisyon ng provincial prosecutor ng Mindoro na nagsasabing mayroong sapat na ebidensiya upang kasuhan sila ng serious illegal detention.
Naunang inireklamo ng isang Romulo De Jesus na nakulong siya nang halos apat na oras nang tumanggi siyang buksan ang drawer na naglalaman ng bultu-bultong balota noong May 14, 2007 elections.
Umapela ang apat sa DOJ at sinabing walang illegal detention na nangyari dahil si De Jesus ang kusang loob na nanatili sa presinto sa Mamburao Central School at noong bandang huli ay sa Servando Hall sa Mamburao Municipal compound.
Natatakot umano si De Jesus dahil sa maaring mangyari sa kanya sa labas ng eskwelahan dahil galit ang mga tao sa kanya matapos itong mahuli na hawak ang mga balota.
Dahil sa nabalitang ballot switching kaya nagkaroon ng pagtitipon ang mga residente dito sa paligid ng presinto kaya tumanggi na si De Jesus na lumabas.
Kinasuhan ng ballot switching si De Jesus sa Korte subalit naghain din ito ng kasong illegal detention sa prosecutor laban sa apat. (Gemma Amargo-Garcia)