3 tiklo sa mga baril at bala

STA.BARBARA, Panga­sinan, PhilippinesRe­has na bakal ang bi­nagsa­kan ng tatlong kalalaki­han maka­raang ma­ares­to ng pulisya dahil sa pag-iingat ng mga baril na walang kauku­lang papeles kamaka­lawa sa bisinidad ng Ba­ran­gay Minien sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan. Kini­lala ni P/Supt. Eric Noble, hepe ng Sta. Barbara PNP, ang mga suspek na sina Ruben Rosa­rio, 32; Orlando Antonio, 35; at si Robin Gonza­les, 39, pawang nanini­ra­han sa Barangay Mi­nien East. Nakum­piska sa tatlo ang isang M14 rifle na may pitong magasin at 106 bala, AK47 rifle na may 4-magasin at 92 bala; at isang cal.45 pistola na may maga­sin at 8-bala. Sumasa­ilalim pa sa tactical interrogation ang mga suspek. Cesar Ramirez

Show comments