3 bata gutay sa bomba
Nagkagutay-gutay at namatay ang tatlong bata makaraang sumabog ang isang bala ng mortar na pinaglaruan ng mga biktima kung saan lima iba pang malubhang nasugatan sa Sitio Badak, Brgy. Mataya, sa bayan ng Buldon noong Martes ng hapon.
Kinilala ni Army’s regional Spokesman Major Randolph Cabangbang, ang mga nasawi na sina Nilingan Tolentino, 8; Macsal Minan, 11; at si Yasser Usman, 8.
Ginagamot naman sa Cotabato Regional Hospital sa Cotabato City ang mga sugatang sina Asamara Ebrahim, 7; Tamlika Usman, 9; Jamaliah Abdulmalik, 8; Subani Motalib, 10 at si Pukadi Narudin, 7.
Base sa ulat, ang sumabog na 81mm mortar ay napulot ni MILF Kumander Abusalam Ebrahim sa kaniyang bukirin at dinala nito sa kaniyang bahay para sana pag-eksperimen tuhan.
Gayon paman, sa sobrang kalikutan ng mga anak ni Ebrahim at ng mga kalaro nito ay pinaglaruan ang bala ng mortar na napagkamalang isa lamang uri ng kakaibang bola. Joy Cantos
- Latest
- Trending