^

Probinsiya

Ambus: Hepe ng Registry of Deeds, drayber utas

-

CAVITE – Napatay sa pananambang ang hepe ng Registry of Deeds at ang dray­ber nito matapos ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki sa na­ganap na panibagong kara­hasan sa Trece Martirez City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Cavite police director, ang mga bikti­mang sina Atty. Napoleon Gatmaitan, 44, hepe ng Re­gistry of Deeds sa Trece Mar­tirez at residente ng Jardin De Madrid, Barangay Habag, Bacoor, Cavite; at ang driver na si Benny Guan­zon, 36, ng Project 6 Quezon City.

Ayon sa police report, papasakay na ang dalawa sa kanilang sasakyang Isu­zu Crosswind (XTR-998) sa may parking lot ng banko sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Barangay San Agus­tin nang lapitan at pagbabarilin ng nag-iisang gunman bandang alas- 5:45 ng hapon.

Isinugod pa sa Emilio Aguinaldo Memorial Hospital at St. James Hospital ang mga biktima, pero namatay din ilang saglit lang habang ginagamot dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Nakatakas naman ang gunman sakay ng motorsiklo na may plakang WH-4944 patungong bayan ng Naic, Cavite samantalang inaalam pa rin ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo sa pamamaslang.

BARANGAY HABAG

BARANGAY SAN AGUS

BENNY GUAN

CAVITE

EMILIO AGUINALDO MEMORIAL HOSPITAL

HERNANDO ZAFRA

JARDIN DE MADRID

NAPOLEON GATMAITAN

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with