2 mag-asawa dakma sa drug bust

BATANGAS, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang mag-asawa mata­pos maaresto sa isi­naga­wang drug bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug En­forcement Agency sa ba­ yan ng Na­sugbu, Ba­tangas ka­ma­kalawa ng umaga.

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Inspector Christopher Abrahano, PDEA Region 4 director, ang mga sus­pek na mag-asawang Felipe at Lydia Torio ng Si­tio Ro­xas, Barangay Lum­bangan, Na­sugbu, Ba­tangas; Jimmy at Miguela Ocoma ng nabang­git na barangay.

Dinakip ang mag-asa­wang Torio at Ocoma sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Reynaldo Ros ng Manila Regional Trial Court Branch 33, dahil sa pagbe­ benta ng bawal na droga bandang alas-7 ng umaga.

Sa pangunguna ni P/Senior Inspector Gilbert Bue­nafe ng PDEA at ni P/Supt. Jose Pumida ng Ba­tangas PNP, nasamsam sa mga suspek ang 3 sachets ng sha­bu mula sa mag-asa­wang Torio, sa­man­talang 8 sachets na­man ng shabu sa mag-asawang Ocoma kabi­lang na rin ang isang ‘di-lisen­sya­dong baril. Arnell Ozaeta

Show comments