^

Probinsiya

3 arestado sa pekeng gold bar

-

RIZAL, Philippines – Tatlo-katao na sinasabing nagpapakalat ng pekeng gold bar ang na­aresto ng pulisya sa isi­nagawang entrapment operation sa Sitio Antipolo Hills, Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Ave­lino Malasang, 45;  Jolito Arnado, 50; kapwa resi­dente ng Sugod, Bugo Cebu City; at si Danilo Pineda, 54, ng Blk. 59 Caimito St. Antipolo Hills, Antipolo City. Sa ulat ni P01 Noel Salazar, na isinumite kay P/ Senior Inspector Aristone L. Dogwe, nasam­sam ang 3-kilong pekeng bara ng ginto na sina­sabing nagkakahalaga ng P40,000. Ricky Tulipat

Brgy. chairman itinumba

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ba­rangay chairman ng Lanao del Sur matapos itong du­mayo sa Barangay Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguin­danao noong Biyernes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chairman Sulaiman Abdul ng Brgy. Baca­yawan sa Marantao, Lanao del Sur. Napag-alamang bumi­sita lamang ang biktima sa kan­yang mga kaanak nang mapaslang ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan. Joy Cantos

Dinukot na trader, laya na

Pinalaya na ang dinukot na Tsinoy bank owner ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Surigao del Norte, ayon sa opisyal kahapon. Kinilala ang biktima na si Johnson Teng, pangulo at may-ari ng Rural Bank of Placer sa nasa­bing lalawigan. Sa report ni P/Senior Insp. Nelly Villagracia na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinumpirma ang pagpapalaya kay Teng bagaman walang gaanong detalye dahil ayaw ng magsalita pa ng pamilya ng nasabing bank owner. Sa tala ng pulisya, si Teng ay dinukot ng mga arma­dong kalalakihan sa mismong bahay nito sa bayan ng Placer, Surigao del Norte noong Enero 7, 2009. Joy Cantos

4 tiklo sa pot session

Rehas na bakal ang binagsakan ng apat-katao matapos maaresto ng pulisya na gumagamit ng shabu sa loob ng bakanteng bahay sa Barangay Halayhayin sa bayan ng Siniloan, Laguna, kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Labador, ang mga suspek na  sina Benedicto dela Cruz, Filoteo Jarque, Marcelo Reyes, at si Florante Cora, pawang mga residente ng Sta. Maria, Laguna. Sinabi ni La­ba­dor na ang apat ay nahuli dakong alas-10 ng umaga noong Biyernes nang magsagawa ng operasyon ang  mga elemento ng Siniloan Police sa Brgy. Halayhayin. Dinakip ang mga suspek sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Siniloan Regional Trial Court Branch 33 para sa bahay ni Joseph Reyes na pinanini­walaang ginagamit ng mga suspek. Sa ha­lip na mga drug paraphernalia lamang ang matagpuan, naaktuhan ng pulisya sina Dela Cruz na nagpa-pot session at nakuha sa mga ito ang tatlong sachet ng shabu. Joy Cantos

ANTIPOLO CITY

BARANGAY HALAYHAYIN

BARANGAY SIMUAY

BIYERNES

BRGY

BUGO CEBU CITY

JOY CANTOS

KINILALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with