Nursing grad inutas ng nobyo

CAMARINES NORTE, Philippines – Gumuho ang pangarap at hindi na masasaksihan ang pagtatapos ngayong Mar­so ng isang 21-anyos na Nursing student maka­raang barilin sa ulo ng kan­yang nobyo sa bisinidad ng Purok 9, Dimasalang Dulo sa Barangay 8 sa bayan ng Daet, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Jennifer Faye Mancilla, graduating student sa kursong Nursing sa La Consolacion College of Daet at residente ng Purok 3, Barangay Cobangbang sa bayan ng Daet.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Raymund Yu ng Diego Linan Street, Barangay 7 at miyembro ng Airsoft Association of Ca­marines Norte.

Ayon kay P/Senior Insp. Melito Abejero, nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang magsyota sa labas ng boarding house matapos mabalitaan ng lalaki na may ibang karelasyon ang babae na nasa ibang ban­sa na nagbibigay ng supor­ta.

Napag-alamang sinun­dan ng suspek ang kan­yang nobya sa boarding house ng kaibigan at naga­nap ang ma­tinding kom­pron­tasyon sa pagitan ng da­lawa.

Dito na nagbunot ng baril ang lalaki at binaril sa kaliwang sintido ang kan­yang nobya.

Nagliwanag lamang ang pag-iisip ng lalaki nang ma­kitang bumagsak ang du­guang nobya at mabilis naman inihatid sa nasabing ospital subalit nang ma­balitaang namatay na ay hindi ito nagpakita sa mga awtoridad.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang basyo ng baril at isang cal. 22 magnum na pinanini­walaang ginamit ng suspek sa pamamaril. Francis Elevado

Show comments