Isang sugar plantation owner na dating major ng Military Intelligence Group ng Armed Forces of the Philippines ang napatay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa Tuguegarao, Cagayan kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na biktima na si ret. Lt. Col. Lauro Parallag, 58-anyos, dating opisyal sa MIG 2 ‘95 at residente ng Barangay Maddarallug, Enrile, Cagayan.
Si Parallag ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo na siya nitong dagliang ikinasawi.
Nakalulan ang biktima sa kaniyang jeepney nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng suspek na armado ng hindi natukoy na uri ng kalibre ng baril. (Joy Cantos)