Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang isang tailor shop na napa tunayang nagtahi ng mga uniporme ng Moro National Liberation Front sa isang palengke sa Kidapawan City bandang alas-2:15 ng hapon kahapon.
Nakumpiska sa Carling’s Original na pag-aari ni Feling dela Cruz ang 11 uniporme ng MNLF na katulad ng sa PNP.
Inamin ni dela Cruz na isang kumander ng MNLF ang lumapit sa kanya para magtahi ng mga uniporme nila. Kada isa, binayaran siya ng P2 libo.
Ayon kay SPO4 Pascual Peroy ng Kidapawan City Police, bawal ang magtahi ng mga uniporme ng pulis o ng sundalo kung walang pahintulot mula sa headquarters nila. Ang Carling’s Original, ayon pa kay Teroy, ay di rehistrado para magtahi ng kanilang mga uniporme.
Bandang alas-dos ng hapon, kanina, nang kukunin na ni Commander Macadatu ang mga uniporme na kanilang pinatahi sa Carling’s Original, agad na nagsidatingan ang mga pulis at sinalakay ang talyer. (Malu Manar)