^

Probinsiya

Ganti ng kinalasang bf: Dalaga ni-rape, pinatay

- Joy Cantos -

Isang 17-anyos na da­laga ang nasawi maka­raang gahasain at bug­bu­gin ng dati niyang kasinta­han sa San Ildefonso, Ilocos Sur.

Ayon kay Ilocos Sur Provincial Police Office Director Senior Superintendent Virgilio Fabros, ang bangkay ng biktimang si Mary Ann Flores ay natag­puan dakong ala-1:20 ng hapon kamakalawa sa isang taniman ng tubo sa Barangay Gongoong ng nasabing bayan.

Nadakip naman ng pu­lisya ang suspek na si Michael Donato, 19-an­yos, na siyang huling na­kitang kasama ni Flores patungo sa isang resort sa lugar.

Sinabi ni Fabros na ang bangkay ng biktima ay tadtad ng malalalim na pasa at sugat sa katawan na indikasyong binugbog ito ng salarin.

Kasalukuyan ring isina­sailalim sa awtopsya ang bangkay nito upang alamin kung ginahasa nga ang biktima base sa nakitang pamamaga ng duguang ari nito.

Si Flores ay huling na­kitang buhay sa bahay nito sa Barangay Bayubay, San Vicente dakong alas-8:00 noong Miyerkules ng gabi nang sunduin umano ni Donato na residente ng Barangay Nambaran, Sto. Domingo, ng nasabi ring munisipalidad.

Ayaw sana umanong sumama ng dalaga sa da­ting kasintahan dahil naki­pagkalas na siya rito su­bali’t namilit ang nasabing lalaki sa pagsasabing pu­wede naman silang maging magkaibigan na lamang at niyaya itong lumabas para sa isang salu-salo sa kani­lang pag­hihiwalay.

Sumakay sila sa motor­siklo patungo sa isang kubo sa Fuerto Beach Resort sa Barangay Calay-ab, Sto. Domingo.

Gayunman, kinabahan ang pamilya ni Flores ma­tapos na mabigong umuwi sa kanilang tahanan ang dalaga kaya inireport ang insidente sa mga awto­ridad.

Ayon sa teorya ng mga awtoridad, posibleng labis nainsulto si Donato sa pakikipaghiwalay dito ng kasintahan kaya nagawa ang krimen.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BAYUBAY

BARANGAY CALAY

BARANGAY GONGOONG

BARANGAY NAMBARAN

DOMINGO

DONATO

FUERTO BEACH RESORT

ILOCOS SUR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with