Kabesa na naman itinumba

KIDAPAWAN CITY — Isa na namang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan noong Miyerkules ng madaling-araw sa pani­bagong karahasang naganap sa bahagi ng Purok Malipayon sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Napuru­han sa ulo ng bala ang biktima na si Benito Agoy ng Brgy. Paman­tingan.

Ayon kay P/Supt. Benhur Mongao, provin­cial director ng Sultan Kudarat PNP, Sakay ng motor­siklo ang biktima kasama ang kanyang misis nang dikitan at barilin ng isa sa dalawang nakamotorsiklong lalaki.

Si Agoy ang ika­lawang kapitan ng barangay na binaril at napatay nitong linggo sa Sultan Kudarat kung saan na­unang pinaslang sa Tacurong City si Rhuds Guimal ng Barangay Pidtigian. (Malu Manar)

Show comments