ILOILO CITY — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang anim na pulis matapos na maaktuhang nag-iinuman ng alak sa loob ng police station sa Negros Occidental.
Ipinag-utos na ni regional director P/Chief Supt. Isagani Cuevas kay Negros Occidental provincial police director, P/Senior Supt. Manuel Felix na imbestigahan ang anim na pulis na magkakasamang umiinom ng alak sa Ilog police station.
Napag-alamang naaktuhan ng kanilang opisyal ang anim na pulis matapos magsagawa ng surprise inspection sa nabanggit na himpilan ng pulisya.
Kapag napatunayang lumabag sa PNP’s rules in internal discipline ang mga pulis na sangkot sa isasagawang pre-charge evaluation at investigasyon, maaaring masuspinde at masibak sa serbisyo, ayon kay Felix.
Kabilang sa mga pulis na isasagawa sa imbestigasyon na naaktuhang uniinom ng alak sa loob ng presinto habang naka-duty ay sina SPO 1 Ramon Macaya, PO3 Noel Joquino, PO2 Edward Gayuma, PO1 Joseph Caballero, PO1 Gecel de la Cruz at si PO1 Jonjer Yap. (Ronilo Ladrido Pamonag)