Barangay chairman nilikida

KIDAPAWAN CITY - Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa bisinidad ng Purok Sampaguita sa Brgy. New Isabela, Tacurong City, Maguindanao noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni SPO2 Nelson Aguilar, apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Rhudz Guiamal, alyas Rudy Ma­kalbog ng Brgy. Pidtigian, General SK Pendatun, Ma­guindanao.

Napag-alamang naglalakad ang biktima sa bisinidad ng nabanggit na barangay nang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Sinisilip din ng pulisya ang ang­gulong iringan sa pulitikang pambarangay ang naga­nap na krimen. (Malu Manar)

Show comments