^

Probinsiya

Ambus: Lider ng angkan, 2 alalay utas

-

KORONADAL CITY – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang lider ng angkan at dalawa nitong alalay makaraang tamba­ngan ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Sulit sa bayan ng Polomolok noong Martes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Datu Ombra Nilong, 72; Marjun Cami at Roberto Magalino.

Si Nilong na nireres­petong lider ng Nilong clan sa South Cotabato ay nag­tamo ng labintatlong bala ng cal. 45 at 9mm pistol.

Sa ulat ni P/Supt. Raul Supiter, lumilitaw na papa­uwi na ang mga biktima mula sa General Santos City lulan ng kotseng kulay pulang Nissan Frontier nang harangin at ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalaki­hang sakay ng kulay asul na Pajero.

“Pauwi na sila galing sa General Santos City. They were tailed by a blue Pajero car. Pagdating sa crossing ng Barangay Sulit bigla na lang nag-overtake ang Pajero at hinarangan sila,” pahayag ni Supiter.

Umaabot naman sa 40 basyo ng cal. 45 at 9mm pistol ang narekober ng mga imbestigador ng pulisya sa crime scene.

Umapela naman ang pamilya ni Nilong sa mga mi­yembro ng Nilong clan na ma­natiling kalmado sa naga­nap na pamamaslang at ha­yaan muna ang pulisya na ga­win ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Supiter, wala pa silang suspek na natutukoy dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon. (Ramil Bajo at Malu Manar)

BARANGAY SULIT

DATU OMBRA NILONG

GENERAL SANTOS CITY

MALU MANAR

MARJUN CAMI

NILONG

NISSAN FRONTIER

RAMIL BAJO

RAUL SUPITER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with