CAMARINES NORTE – May posibilidad na ‘di-pinatahimik ng konsensiya ang isang 25-anyos na lalaki kaya nagdesisyong mag bigti matapos halayin at patayin ang kanyang utol na dalagita sa madamong ba hagi ng Sitio Tumbaga sa Barangay San Rafael sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ni Rosito Rampas na nakabitin sa punongkahoy sa likurang bahagi ng kanilang tahanan sa nabanggit na barangay.
Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Insp. Wilmor Halamani, si Rosito ay nakatakdang imbestigahan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa brutal na pagpaslang sa kanyang utol na si Glenda.
Si Glenda, 15, 3rd year sa Jose Panganiban National High School ay natagpuang patay na walang saplot sa katawan malapit sa bahay ng pamilya Rampas.
Sa tala ng pulisya, may palatandaang hinalay muna ang biktima bago ginilitan ng leeg at iniwan sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay.
Naging palaisipan sa mga imbestigador ang biglang pagkawala ng pangunahing suspek na halos dalawang buwang nagtago matapos madiskubre ang krimen.
May teorya ang pulisya na ‘di-mapagkatulog ang suspek dahil sa ginawang krimen laban sa sariling utol kaya nagdesisyong magbigti.
“Masasabi ko na sarado na ang kasong rape slay dahil ang itinuturong pangunahing suspek ay nagbayad na sa kanyang kasalanan,” pahayag ni Halamani. (Francis Elevado)