Kinatay dahil sa alak

LUCENA CITY – Nagmistulang karne ng baboy ang katawan ng isang 40-anyos mangingisda matapos pagtatagain ng kanyang kumpare dahil sa tagay ng alak sa Purok Buhangin, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Roel Rapol ng Purok Dulong Buhangin habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Alfie Baldoria, 34, pedicab driver ng naturang barangay. Sa imbestigasyon ni SPO4 Renato Pelobello, lumitaw na nagkaya­yaang mag-inuman ng alak ang magkumpare sa isang tindahan.

Nang malasing ang dalawa ay nagtalo dahil sa hindi patas na pagbibigay ng tagay ng alak hanggang sa maganap ang pama­maslang. (Tony Sandoval)

Show comments