^

Probinsiya

Kolumnista binantaan ng mayor

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nala­la­gay ngayon sa panga­nib ang buhay ng isang kolumnista-reporter ng national newspaper ma­karaang pagban­taan at murahin ng isang mayor sa Laguna kahapon dahil sa demolisyon ng kaba­ha­yan sa Baran­gay Lewin.

Ayon kay Paul M. Gutierrez, reporter-columnist ng People’s Tonight, papunta na siya ng Tanay, Rizal nang makatanggap ng tawag mula kay Lum­ban Ma­yor Freddie Paraiso at pagsabihan ng gago at tarantado.

Nag-ugat ang hid­waan ni Gutierrez at Paraiso habang nag­ko­ko­ber ang reporter sa nagaganap na tens­yon sa pagitan ng mga re­sidente ng Barangay Lewin at ilang opisyal ng lokal na pamaha­laan ng Lumban dahil sa napipintong demo­lisyon.

Para makuha ang panig ng mayor kaug­nay sa nalalapit na demolisyon, tinawagan ni Gutierrez, si Mayor Paraiso sa cell phone.

Ayon kay Gutierrez, sinabi sa kanya ni Ma­yor Paraiso na wala na siyang magagawa sa demolisyon dahil may court order na ito, na siya namang inulit ni Gutierrez sa mga nag-aalmang resi­dente.

Dahil dito, nag-al­bu­ruto at nagalit si Ma­yor Paraiso kay Gutier­rez sabay sabi umano ng - “Putang ina mo, huwag kang pupunta dito (Lumban), may pag­lalagyan ka, ginu­gulo mo kami!”

Mariin namang iti­nanggi ni Mayor Pa­raiso na minura niya si Gutierrez at ang tangi niyang sinabi ay “wala na akong magagawa kasi may court order… unless may intervention… but we are exerting all efforts… magbi­bigay din kami ng financial assistance (sa mga apektadong resi­dente),”

Sinabihan din niya si Gutierrez na huwag nang makialam sa ka­nilang problema dahil lalo lamang daw itong nakakagulo sa sit­wasyon. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY LEWIN

FREDDIE PARAISO

GUTIERREZ

LUMBAN

MAYOR PA

MAYOR PARAISO

PARAISO

PAUL M

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with