4 todas sa cargo truck

ILOILO CITY, Philippines – Malawa­kang dragnet operation ang inilatag ng pulis-San Joa­quin laban sa drayber ng cargo truck na naka­sagasa at naka­patay sa apat na si­bilyan noong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Rita sa bayan ng San Joa­quin, Iloilo.

Kinilala ni PO3 Rolando Sensida, traffic investigator ng San Joaquin PNP, ang suspek na si Remuel P. Ca­rale na sinasabing nagta­tago sa bayan ng Ajuy ma­tapos masagasaan ang mga bikti­ mang sina Leizel Sefil, 33; anak na si Christian Mark Se­fil, 10; pa­mang­king si Joelo Sefil, 4; at si Francis John Fer­maran, 4.

Kabilang naman sa na­sugatan ay sina Nelson Al­berca, Alvin Arabia at si Renan Naranjo, na nakatayo lamang sa gilid ng highway.

Napag-alamang bumi­bili lamang ng barbecue ang mga biktima sa isang tinda­han na nasa gilid ng highway nang sumalubong si kama­tayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, si Carale ay pa­tu­ngong Iloilo mula sa bayan ng Antique nang mag-overtake ang kanyang cargo truck sa sinusun­dang public utility van.

At dahil sa may nama­taang kasalubong na pam­pasaherong bus ay mabilis nitong kinabig ang truck na may plakang TGV 952 su­balit bumaling sa shoulder ng highway kung saan nagka­taon naman naka­tayo ang mga biktima.

Ayon sa pulisya, nada­may at nawasak din ang ilang tindahan, dalawang motor­siklo, van at multicab na na­kaparada sa gilid ng highway. Ronilo Pamonag

Show comments