TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Hindi na nakawala sa kamay ng batas ang isang mag-ama na may kasong murder matapos mahuli kamakalawa ng mga kagawad ng pulisya.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Virgilio Alicuman, 49, at anak na si Redentor, 26, kapwa residente ng Gattaran, Cagayan.
Ang mag-amang Alicuman na kapwa nakakulong ngayon sa Appari Provincial Jail ay nagtago sa batas matapos nilang pagtulungan na pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang Baltazar Ballesteros limang taon na ang nakalilipas. (Victor Martin)