^

Probinsiya

NPA umamin sa ambush

-

MANILA, Philippines - Inamin ng tagapagsalita ng Magtanggol Roque Command ng Front 51 ng New People’s Army na si Ricardo Fermiza na sila ang tumam­bang at nakapatay sa hepe ng pulisya ng Bansalan, Da­vao del Sur, sa dalawa nitong tau­ han at sa isa pang ba­rangay tanod noong Pebrero 2. 

Nilinaw naman ni Fermiza sa isang pahayag na hindi ba­ wal sa Geneva Convention ang command-detonated explosive na ginamit nila sa pananambang sa mga biktimang sina Sr. Insp. Emliex Mabalot, hepe ng Bansalan Police; PO3 Roel Salces, PO2 Luis Bernie Humol, at kay Rudy dela Paz, tanod ng Barangay Managa, Bansalan sa Sitio Tower sa Managa rin.

Sa hiwalay na ulat, nada­kip ng pulisya ang dalawang lider ng New People’s Army sa Barangay Bata, Bacolod City, Negros Occidental ka­makalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Rogelio Danosoldo, kalihim ng Northern Negros Front Committee, at Roberto Espinosa, squad leader ng Squad 1, Platoon 1 ng Kilu­sang Larangan ng Hilagang Negros. (Malu Cadelina Manar at Joy Cantos)

BACOLOD CITY

BANSALAN

BANSALAN POLICE

BARANGAY BATA

BARANGAY MANAGA

EMLIEX MABALOT

GENEVA CONVENTION

HILAGANG NEGROS

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with