Bahay ng konsehal grinanada

MANILA, Philippines - Niyanig ng dalawang in­sidente ng pagsabog ang ba­hay ng isang kapatid ng na­mayapang si National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco sa Ca­biao, Nueva Ecija kaha­pon ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon, isang Molotov bomb ang inihagis sa tahanan ni Jo­mar Wycoco, konsehal sa nasa­bing bayan.

Matapos ito ay isa pang granada ang inihagis ng mga suspek na bumagsak rin sa compound ng bahay ni Councilor Wycoco.

Sinabi ni Wycoco na na­alimpungatan siya sa pag­kakatulog bunga ng dala­wang magkakasunod na pagsabog. Napinsala ang ka­ niyang mga behikulo na naka­parada sa may garahe ng ka­ni­­yang tahanan. (Joy Cantos)

Show comments